baby jedidiah

Tuesday, March 1, 2011

i miss you like crazy

Chapter 1 - Even Though
"Mahal kita Andrew!!!" makabasag tengang sigaw
ng isang babae sa Araneta Center-Cubao Station
ng MRT. Alas-nuwebe y medya na nang gabi yon
kaya siguro ganoon kalakas ang loob niyang
ipahiya ang sarili.
Nakatayo siya, nakadungaw sa harap ng Araneta
Coliseum, ako? Nakaupo ako. Tahimik na
naghihintay ng tren, at tahimik na nakikiusyoso.
"Shit ka!!!" sigaw niyang muli bago umalis sa
kinatatayuan at tumabi sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang ispiritong kasama
niya. Wag kang matakot. Ispirito ng ALAK ang
kapiling niya.
Dumating na ang tren na sasakyan ko, namin
siguro...
Patayo na ako nang hilahin niya ako paupong
muli. Tinignan ko siya, nagtaka ako syempre.
Pero hindi niya lang pala ako pauupuin,
SINAMPAL niya pa ako. Kaya sumobra na ang
pagtataka ko na halos humiwalay na si mukha ko.
"Walanghiya ka!" sigaw niya sa akin, bumukas na
ang pinto ng tren at naglabasan na ang mga tao.
"Panagutan mo ako!!!"
Bukod sa pamumula ng pisngi ko dahil sa sampal
niya, namula ang buong pagkatao ko sa hiya.
'Tarantadong babae to,' isip-isip ko.
Sa isinigaw niyang iyon, maski mga insekto
lumingon sa amin, nakatingin sa akin. At narinig
ko ang mga bulong nila, hindi na pala bulong yon
dahil naririnig ko, pasaring na pala ang tawag
doon.
"Bubuntis-buntis hindi paninindigan..."
"Sana pinutok mo na lang sa banyo..."
"Nag-condom man lang sana..."
"Maraming pampalaglag diyan sa baba..."
"Malandi naman kasi yung babae..."
Narinig din niya yung 'Malandi' agad siyang
tumayo at nilapitan yung babaeng nagsabi non,
"hoy! Ikaw! Sa pangit mong yan, kahit lumandi ka
pa, walang bubuntis sayo!"
Natahimik yung babaeng sinigawan niya, at
mabilis na lumayo. Bumalik naman siya sa
kinauupuan ko. At biglang umiyak.
Isinandal ko siya sa aking balikat para doon
umiyak at nag-abot ako ng panyo. Gentleman pa
rin, kahit sagad sa buto ang kahihiyang ibinigay
niya sa akin.

No comments:

Post a Comment