baby jedidiah

Tuesday, September 21, 2010

gusto kong love by carlos malvar

Ang gusto kong love

Yung masarap magbigay nang backrub

Yung hindi mahihiyang makipaghalikan sa taxicab

Yun, yun ang masarap na love

Ang gusto kong love

Yung tipong pipigilan ka mag-yosi

Di ka papayagang mag-sindi

Kaya matututo kang maglumlum nang candy

Kasi nga, bawal na sayo magyosi

Allergic daw sya sa yosi

Tapos magmomonologue nang:

“Magyoyosi ka na naman? Kakayosi mo lang, ah

Nagyosi ka na nga bago kumain

Magyoyosi ka pa pagkatapos kumain

Pang-apat na stick mo na yan

Akala ko ba sabi mo di ka na magyoyosi?

Di mo ata ako love, eh.”

Pero actually

Lahat nang tao sa bahay nila, adik sa yosi

Nanay nya, tatay nya, mga kuya nya

Allergy-allergy

Meron bang allergy sa yosi?

Alam nyo yun, yung tipong

Gusto nya lang masabi nang mga tao na

“O kita nyo, napasunod nya yung boyfriend nya”

Yung tipong ganun ka-controlling

Yun. Yun ang tipo kong love

Medyo controlling.

Ang gusto kong love

Yung hindi mahihiyang magpalibre

Kahit compared sayo, yung allowance nya doble

Yung pagmanonood kayo nang sine

Hinding-hindi maglalabas nang wallet

Hihintayin kang magbayad para sa ticket

Kaya kahit para sa bulsa mo masakit

Iisipin mo na lang

“Ayos lang, love ko naman

Pero sana,
sya naman gumastos paminsan-minsan.”

Yung tipong ganun na love

Kasi feeling ko, pagnahihiya sya gastusin ang pera mo

Nahihiya rin syang tanggapin ang love mo

Yun. Yun ang tipo kong love.

Medyo magastos.

Ang gusto kong love

Yung tipong pagkasama nyo ang barkada mo

Biglang makikipagkwentuhan sa iyo tunkol

Sa mga topics na hindi naman alam nang barkada mo

Para lang ma-alienate ang
barkada mo

And just to show it to them na

Meron na kayong sariling mundo.

Yung tipong biglang makikipagkwentuhan sayo

Tunkol sa plans nyo na mag-out-of-town this summer

O kaya tungkol dun sa movie date nyo

Na as usual ay ikaw ang nagbayad

So hindi tuloy makakasabay yung mga barkada mo sa usapan

Dahil kayong dalawa lang ang nagkakaintindihan

Kaya susubukan mong ibahin ang topic

Pero ibabalik nya dun sa plano nyong
pumunta nang Subic

O kaya bigla nyang maiisipan na i-update ka

Tunkol sa buhay-buhay nang mga friends nya

Kaya yung mga friends MO, naka-tanga

Kasi kayong dalawa lang ang tawa nang tawa

Yun. Yun ang tipo kong love.

Medyo elitista.

Ang gusto kong love

Yung mumurahin ka sa text pag hindi ka nakapagreply

Kasalanan mo bang maubusan nang load

Sa gitna nang immersion nyo sa Sitio Payonggayong

Sa gitna nang Mindoro Occidental?

(Tunog nang Text: Tutututut-tututut)

“Hi, LOVE. WHAT R U DOING?”

(Tunog nang text)

“HEY, BAKIT DI KA REPLY. SAD FACE.”

(Tunog nang text)

“HMPH. BUSY KA ATA. SIGE GUDNAYT NA.”

(Tunog nang text)

“P########MO HAY## KA. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE YOU. I HATE
YOU. OK FINE, WAG KA MAGREPLY. NAGSESEX KAYO NO? NAGSESEX KAYO NO? P### KA.
G#G#!”

(Tunog nang text)

“Hoy. Sorry na. Ikaw kasi eh. Di ka nagrereply. Sorry po.
Mwah.”

Yung tipong ganun

Yung tipong kaya naimbento ang SUN CELLULAR

Para sa ganung klase nang love

Yung tipong ganun na love

Yun. Yun ang tipo kong love.

Medyo demanding.

Ang gusto kong love

Ang gusto kong love yung pagnasa simbahan kayo

Sa gitna nang misa

Uutusan kang magflex nang bicep mo

Tapo s pagpapraktisan nang suntok nya

Palakas nang palakas, tapos magtatanong pa

“Masakit ba?”

Ikaw naman, parang tanga

“Hindi, Sige, lakasan mo pa”

Pero sa totoo lang, naiiyak ka na

Kasi mga muscles mo namamaga na

Hanggang bukas, braso mo manhid pa

Yun. Yun ang tipo kong love.

Medyo mahilig sa boxing.

Ang tipo kong love

Yung makikipag-agawan pa para sa last piece of pizza

Yung kinikilig pag ika’y kumakanta

Yung ang tawag sa mommy mo, “Tita”

Yung memorized ang schedule mo every semester

Yung alam kahit na plate number

Nang kotse nang kuya mong Wheelers International Member

Yung makikiprint nang thesis nya

Tunkol sa POSTMODERN THEORIES ON THE TRI-MEDIA

Kasi nang-hihinayang daw sya

Baka daw maubos ang ink nila

Yung tatanungin ka kung sino ang mas gusto mo ma-i-kama

Sya ba o si Jen Rosendhal ba?

Tapos maiinis pag sumagot ka.

Naman, si Jen yun eh. Ano naman ineexpect nya?

Ang gusto kong love?

Yung sa akin lang sya in-love.

Ang Gusto Kong Love

ni Carlos “Siege” Malvar