baby jedidiah

Friday, February 4, 2011

kowtz uli

May mga bagay na kahit gusto
mo, kailangan mong bitiwan.
May mga tao na
kahit na papasaya ka ay
kailangan iwasan. May mga
desisyon na dapat
gawin kahit napipilitan. At may
mga pagkakataon na kapag
ginawa mo ang
tama, ikaw ang mahihirapan
dahil may mga bagay na kapag
pinagpilitan, sa
huli, ikaw rin ang masasaktan…

kung wala kang alam sa buhay
ng dalawang tao o kahit pa man
may alam ka sa isa sa kanila, wala
ka pa rin sa tamang lugar para
lagyan ng kahulugan ang mga
kilos nila ”
“Pag pinag-aagawan ka,
malamang maganda o gwapo ka.
Sumama ka sa mabuti, di sa
mabait. Sa marunong, di sa
matalino. Sa mahal ka, di sa gusto
ka. ”
“Ang pag- ibig parang
imburnal..nakakatakot mahulog,
at kapag nahulog ka, it ’s either
by accident or talagang tanga
ka. ”
“Ang tenga kapag pinagdikit
korteng puso.. Extension ng puso
ang tenga kaya kapag marunong
kang makinig, marunong kang
magmahal ”
“Alam mo ba kung gaano kalayo
ang pagitan ng dalawang tao
pag nagtalikuran na sila?
kailangan mong libutin ang
buong mundo para lang
makaharap ulit ang taong
tinalikuran mo. ”
“Kung dalawa mahal mo, piliin
mo ang pangalawa,kasi hindi ka
naman magmamahal ng iba
kung mahal mo na talaga ang
una ”
“mahirap pumapel sa buhay ng
isang tao, lalo na kung hindi
ikaw ang bida sa script na pinili
niya ”
“Kapag di ka mahal ng taong
mahal mo, huwag kang
magreklamo. Kasi, may mga tao
rin na hindi mo mahal pero
mahal ka kaya quits lang. ”
“Parang elevator lang yan eh.
bakit mo pagsisiksikan yung
sarili mo kung wala ng pwesto
para sayo, eh meron namang
hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
“hindi porke’t madalas mong ka-
chat, kausap sa telepono, kasama
sa mga lakad o ka-text ng
wantusawa eh may gusto sayo at
magkakatuluyan kayo, meron
lang talagang taong sadyang
friendly, sweet, flirt, malandi, pa-
fall o paasa.”
“pag may mahal ka at ayaw sayo,
hayaan mo na..malay mo sa mga
susunod na araw, ayaw mo na
din sa kanya, naunahan ka lang ”
“Kung hindi mo mahal ang isang
tao, wag ka nang magpakita ng
motibo para mahalin ka niya. ”
“walang taong manhid…hindi
niya lang talaga maintindihan
kung ano ang gusto mong
iparating dahil ayaw mo siyang
diretsuhin.. ”
“kahit ikaw ay parang bato na
manhid at walang
pakiramamdam, mag ingat-ingat
ka naman, dahil kahit ganyan ka,
hindi nasasaktan, kaya mo
namang makasakit ”
“Kung nagmahal ka ng taong di
dapat at nasaktan ka, wag mong
sisihin ang puso mo. Tumitibok
lng yan para mag-supply ng
dugo sa katawan mo. Ngayon,
kung magaling ka sa anatomy at
ang sisisihin mo naman ay ang
hypothalamus mo na
kumokontrol ng emotions mo,
mali ka pa rin! Bakit? Utang na
loob! Wag mong isisi sa body
organs mo ang mga sama ng
loob mo sa buhay! Tandaan mo:
magiging masaya ka lang kung
matututo kang tanggapin na
hindi ang puso, utak, atay o
bituka mo ang may kasalanansa
lahat ng nangyari sayo, kundi
IKAW mismo !”

No comments:

Post a Comment